Excited na akong makita ka Chaleb. Sobrang Miss kita. Shet lang.
I love you. <3
See you later :D
*por da mintaym. Mageempake muna ako ng mga gamit ko Pabalik ng Manila! HAHA.
Ilang beses ko ng sinabe sa sarili ko na huwag gumive up dahil masyado pang maaga. Pero ngayon, papunta na ako sa punto na yun.
Sobrang bata pa ng relasyon naten pero ano ng ginagawa mo, Ni hindi ko maramdaman minsan na may karelasyon pa pala ako.
Nagsasawa na akong pilitin ka na gumawa naman kahit konting paraan para makapagusap tayo araw araw. Nagsasawa na akong hintayin ka. Nagsasawa na akong magdrama. Nagsasawa na akong ifit in ang sarili ko sayo.
Malapit na din akong magsawa sa ating dalawa.
Sana lang at makakapit pa ako kaunti ng hindi kita mabitawan. Siguro yung Pagmamahal ko ang dahilan kaya nandito pa ako.
Nasasaktan din ako.
Hindi ko na maramdaman ang effort mo. Ako nalang ata ang gumagawa ng paraan para makapagusap tayo. Kung hindi ako ang magiinitiate ng conversation, wala na. Bakit ganun? Minsan nga pinipigilan ko ang sarili kong itext ka para lang makita ko kung hahanapin mo ako buong maghapon, pero gabi na wala pa. Naghihintay ako lage ng lambing mo. Pero ngayon wala na. Anong nangyare? Minsan lang, kapag nakaalala ka. Dun, duon nalang ako humuhugot ng raspn para magpatuloy pa.
Hindi ko sinusumbat sayo lahat ng effort ko pero sana kahit papano mapansin mo yun. Alam mo sa sarili mong hindi ako naglalaro ng kahit na anong Online Game dahil hindi ko na ito hilig pero pinilit ko yun, pinilit ko sa sarili kong maglaro ng ganun para masabayan ka para makausap ka. Dahil yun nalang ang paraan para makausap kita, dahil yun ang alam kong makakapagpasaya sayo.
Kahit sobrang pagod ako maghapon, pinipilit kong magpuyat para sayo, kahit minsan sobrang sakit na ng mata at ulo ko, pinipilit ko para sayo. Kahit konting oras nalang tulog ko, okay lang para sayo.
Hindi ko nga alam kung tama pa tong ginagawa ko. Masyado na ata akong nabulag.
Marame akong tinanggihan na opportunity dito para lang makasama ka. Ayoko kaseng mahiwalay sayo ng matagal. Ayokong hindi tayo nagkikita. Pero hindi kita sinisisi kaya ngayon wala pa akong trabaho o kaya pinagkakaabalahan, desisyon ko naman yun. Nandiyan ka na kase, dumating ka na kase sa buhay ko kaya isa ka na ren sa mga rason kung ano ang magiging desisyon ko.
Ang hiling ko lang, sana konting effort naman. Maramdaman ko naman na kelangan mo pa ako, na mahalaga pa ako sayo. Na Mahal mo ako. Gusto ko kase lage mo yung pinaparamdam saken.
Ilang buwan palang ganito na nararamdaman ko. Ang weird lang.
NIGHTNIGHT by DEDDY